Sunday, July 22, 2012

How are you in CvSU?

Cavite State University is not my dream school. I had plans of studying sa University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines. In short, gusto kong mag-aral sa Maynila. I want to experience a life far from my family. I want to experience how it is like to live a life of my own. Pero parte na lang ng nakaraan ang lahat ng ‘yon. I believe it is part of God’s plan na hindi ako umalis ng Cavite for college.
Anyway, I’ll be sharing a part of my experience and knowledge about CvSU.
TORCHFIRE. Maging kasing-alab kaya ng
apoy ng sulo ni Diwa ang ating pag-asa para
sa de kalidad na uri ng edukasyon sa CvSU?
Hindi nagsimula ang CvSU na CvSU na. (Did you get it?) It is because itinatag ito ng Thomasites noong 1906 bilang isang intermediate school. ‘Di nagtagal, the school focused on vocational agriculture for boys and domestic science for girls. Tumaas ang demand sa edukasyon that time kaya kinailangang palakihin ang school. 1920s nang mag-donate si Don Severino de las Alas ng lupain para sa school. Bilang pagkilala naman ng school kay Don Severino, pinalitan ang pangalan from Indang Farm School into Don Severino National Agriculture School noong 1958.
Samantala, it was 1964 when by virtue of RA no. 3917, Don Severino National Agriculture School became a state college and was known as Don Severino Agricultural College or DSAC.
Then by virtue of RA no. 8468, DSAC elevated into a sate university and was known as what we all call it until now — Cavite State University. For thorough explanation and narration ng history ng CvSU, you may visit the University’s website at www.cvsu.edu.ph.
To my point-of-view, CvSU is a fine university. Kung first-time siguro ulit ako, I may define it as great. I was impressed by the physical aspects of the University. I even thought na its a good thing pala na ‘di ako lumayo para mag-aral. However, first impressions didn’t last.
Sa pagtagal ng pag-stay ko sa CvSU, I began noticing its ‘dark’ sides. Minsan hindi lang ‘dark’. Madalas ‘hot’, ‘dirty’, ‘fishy’, etc. If you’re thinking what I’m thinking, I’m referring sa mga not-so-good and never-better facilities ng school. Ilan lang dito ang mga sumusunod:
·         Rooms na kulang sa upuan. (‘Yung tipong first come, first serve ang basis ng mga upuan. Minsan naman, no choice ka kundi umupo sa lapag. Japanese style ‘ika nga).
·         Kulang sa rooms. (‘Eto matindi. Imi-meet mo ang prof mo sa ilalim ng puno, sa corridor, sa covered pathwalk, sa hagdan, at sa kung saan-saan pa na hindi naman feasible para mag-conduct ng klase).
·         Kulang sa electric fan. (Minsan magpapasalamat ka kasi may bentilador sa room. Pero sa bandang huli, gagamit ka na lang ng pamaypay dahil hindi pala naka-install ‘yung fan. Pang-display lang pala).
·         Buildings and rooms that have ‘bad designs’. (‘Pag biglang nagkasunog, mind you, pray for your salvation already kung nasa CAS ka. ‘Wag mo nang balakin pang gumamit ng ‘fire exit’ dahil ang labas mo not to safety. Samantala, all-ears dapat ang pakikinig mo sa prof na nasa unahan. Baka kasi malito ka kung kanino makikinig, sa prof ba sa unahan mo o sa likuran mo na nasa kabilang room).

Ilan lang ‘to sa mga maaaring nakakatuwa pero nakakaalarmang sitwasyon ng mahigit 10,000 students sa CvSU. Itong mga nabanggit ko, ilan lang sa mga nararanasan ko. Paano pa kaya ang nararanasan ng ibang estudyante? What do you think?




Source: www.cvsu.edu.ph


No comments:

Post a Comment