Sunday, July 22, 2012

Itanong mo: Sa Kabsu?

Paggising ko sa umaga, ano nga ba? Ah, oo. Papasok pala ako. Sa skul na pinili kong pasukan (hep!hep! wait, wag kung ano-ano naiisip :>) Anyways, sa skul na pinili kong pasukan para maging handa sa “real world.”
KABSU, KABSU. Sa tapat ng marker ng CvSU madalas ibinababa ng jeep
o bus ang mga estudyante mula sa iba't ibang panig ng Cavite tuwing may pasok
(Photo from indangbeauty.files.wordpress.com)
Tama. Real world. Hindi na siguro kailangang sabihin kung ano meron sa real world. Pero dahil gusto ko, sasabihin ko na rin. Sa real world, merong hindi tunay (parang ngiiipin lang), may maitim, parang kutis lang, may maganda (parang ako lang, weh?) at may nakakatawa (parang gobyerno lang).
Sa CvSU, maraming tulad ng mga nabanggit sa taas. Pagpasok mo sa gate, bubungad sa ‘yo sina Laya at Diwa. At iisipin mo pa rin kung ano’ng pangalan ng bata sa tuktok na may dalang kalapati. ‘Yan ang CvSU, bungad pa lang, may palaisipan na. Brain teaser, kumbaga. Para saan pa at tinagurian ito na premiere historic University in Cavite? Going back, kung ikaw naman ang tatanungin, ano ang gusto mong ipangalan sa bata? I-send mo sa akin nang may maipangalan tayo.
Matapos kina Laya at Diwa and anonymous child, punta na tayo sa may gate. Sina Manong at Lady Guard naman ang itatanong mo sa sarili mo kung nache-check ba nila lahat ang mga bagay na dala mo. O short skit lang iyon na dumaan sa iyong buhay. Anyway, good luck sa kanila sa araw-araw na pagtingin kung ano laman ng bag natin.
Tungkol sa guard pa rin, mahigpit sila pagdating sa pananamit, buhok, etc. ‘Pag tatanungin mo kung bakit, sagot nila: Order ng OSA (Office of Student Affairs). Tama nga naman, sila ay sumusunod lang. Kaya lang, nakakapagtaka pa rin kung paanong nakaka-labas-pasok ang mga long hair na beki. Utos din ba ‘yon ng OSA? Hmmm…
Matapos mo namang magdasal nang katakot-takot sa tryke para hindi mapansin ng guard na wala kang ID, panibagong pakikipagsapalaran naman ang iyong gagawin. Ang classroom dilemma. Sa ngayon, marami pa ring nomads dahil hindi nila alam kung saan sila magka-klase. Sa bleachers o sa stairway? Available na ba ang C.R.? (tsigssgsk!) Grabe, hanggang C.R. may klase. Syempre, joke lang ‘yon. Ganda kaya mag-klase sa pathwalk na depende sa direkson ng araw ang kapakinabangan (hehe, bitter? Bitter?)
Kung pagdating sa loob ng classroom, chill lang. Mababait naman ang instructors natin dahil ayaw din nilang magpagod nang sobra. Pramis. Ikaw ba naman ang maging J.O. na maliit na ang sweldo, delayed pa. Kaya intindihin na lang natin ang ating mga mahal na guro. OK? Good.
Ngayon, kung may tanong ka, ‘wag na sa akin dahil sa ngayon, pagod na ako. Haha. Kung sino ka man, intindihin mo na lang ang mga sinulat ko. At salamat sa pagbasa. Magparami ka, ah. Salamat!

No comments:

Post a Comment