Tuesday, October 9, 2012

DSLR VS. SLR


SLR
Sasabihin ko lang ang alam ko tungkol sa dawalng uri ng camera magsimula tayo sa SLR o “single-lens reflex”, single lens kasi nga ang ganitong uri ng camera ay gumagamit lang ng mirror and prism system na kung saan makukuha mo ng malinaw at maayos ang anggulo ng iyong subject depending on how you adjust the lens.
 Kasi SLR lenses can be rotate and adjust.  Na kaya mong magfocus, magzoom, magpablur ng subject sa pagrorotate ng lens. Ang SLR ay pwedeng mapalitan ng lens depende sa kung saan mo sya gagamitin may mga sizes din kasi ang mga lens nya na kung mayaman ka, Sige bumili ka, pero siguraduhin mong kaya ng yong bulsa. Hindi lang kasi basta may SLR ka na ok na, na may nainvest ka na kaso wala pa yan. Sa pagbili mo ng SLR sa mga lenses ka talagang magiinvest na hope ko lang afford mo. Di rin kasi biro ang presyo nila bukod sa pagbili mo ng mismong camera. Although may mga nakakabili kahit wala sa hitsura nila. Tsaka ang SLR kasi manual yan meaning you have to use films. Hnd po nakaLCD screen ang likod nun ah, di tulad ng mga digital camera. Masakit mang sabihin pero kinakailangan mong ipadevelop ang film bago mo makta ang resulta ng iyong kinunan. Na minsan expose pa ang film mo na walng lumabas. Kaya doble ingat din sa pagkuha siguraduhin mong tama ang settings mo, ang shutter speed dapat sakto sa subject na kukunan mo, sa pagadjust ng aperture dapat alam mo ang ginagawa mo kasi kung mali ka ng adjust sa aperture mo at mabilis ang shutter speed mo. Pustahan tayo.. purong puti lang ang lalabas kasi ang SHUTTER ay para sa bilis ng pagsara ng frame at ang APERTURE ay kung gaano kalaki ang pagbukas ng frame na sasalo ng ilaw. Dapat alam mo yan para di maexpose ang film. Sayang maahal pa ang film. Pero kung ako ang papipiliin mas gusto ang film base camera kasi paghihirapan mo ang bawat kuha mo ng litrato.

Description: E:\DCIM\101MSDCF\DSC00992.JPGDSLR
Sa DSLR naman wala akong masyadong knowledge about it so I will explain to you my experience in using the DSLR on my part maganda ang DSLR kasi d mo na kailangang gumamit pa ng film since digital na sya automatic mo ng makikita ang resulta ng iba. Na di tulad sa SLR na kailangan mo pang magpadevelop. Ang DSLR ay na oautomatic adjust d gaya sa film base camera manual po ang process Na mas convenient kasi bura kuha ka na lang.

Sunday, August 12, 2012

Paglaya ng mga Pelikula: Pinoy Indie Films atbp.


Hindi na bebenta ang linyang ‘to sa inyo, “Hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang pangarap.”
Pero sa maniwala ka o sa hindi, ito ang pundasyon kung bakit nagkaroon ng independent films (indie films).
Ayon sa stateside kapitbahay natin na si http://en.wikipilipinas.org, Philippine Cinema saw the rise of Independent Films and filmmakers. With a low budget and just a few days to shoot the film, it’s so ironic that these films are usually the ones who gather international awards compared to mainstream movies. Through Indie films, Filipino filmmakers are able to freely express what they feel and boldly articulate the Filipino experience and relate to the viewers the real face of the Filipinos and the Philippines.
NOW SHOWING. Ilan lang ang mga pelikulang ito sa napakahabang
listahan ng indie films na mula sa ating bansa
‘Eto pa ang sabi niya, the urban manila, most especially the slum areas, have been a favorite setting amongst independent films because it doesn’t only require a small budget but it also clearly depict and picture the life of the Filipinos or the masses. Films shot in urban Manila let the audience take a peek on what’s really happening outside while unmasking the sad and harsh reality of life, letting the viewers relate to every scene of the movie.
Personal akong tagahanga ng Filipino independent films, but, it’s really saddening that this industry has a very small market. Sa madalas kong pagpapabalik-balik nitong mga nakaraang linggo sa DasmariƱas, hindi ko nakalimutang dumaan sa movie house. Literal na daan lang ang ginawa ko. Para akong nagka-canvass ng gamit. Sinipat ko ang lahat ng movie poster. In my estimation, 5% lamang ang indie films na pinapalabas sa sinehan. At siyempre pa, parang hindi ka rin nanood ng indie dahil mainstream artists ang nasa cast.
Nabanggit ko na rin lang ang cast, ito pa ang isa. Independent films serves as a playground sa mga director, producer at artista na small-time. They don’t need a big budget in producing quality films. ‘Pag sinabing quality hindi lagging visuals ang usapan. Scope din nito ang depth ng istorya at kung paanong ang pelikula ay totoong nakaka-relate sa realidad ng bawat manonood. Ngayong malawakan na ang invasion ng mainstream entities sa indie industry nababawasan na ang magandang kulturang nagging pundasyon nito.
However, there are also these pitfalls in the indie filming industry.
Filipinos are on the era na kung saan unti-unting napapalitan ng salitang ‘liberated’ ang salitang ‘conservative’. At dahil mahigpit ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga ganitong usapin, hirap na magpakita ang mainstream ng ‘skin’. Ito naman ang isang bagay na talamak sa indie. Sana hindi maging means ang indie film industry to pursue this kind of thinking and trade.
As a Mass Communication student, indie filming is very beneficial not only to media students or media people but of course to everyone. Indies has larger perspective than mainstream. Higit sa lahat, masasabi kong mas maraming matututunan ang sinuman sa indie films.

Hooh! Makapag-blog nga!


One thing about blogging: it’s about caring. You’re a hypocrite if you just tell yourself that you’re blogging because you don’t have anything to do  or you just go with the flow. “Trending kasi kaya nag-blog ako.” That’s not the only reason. It’s about caring. You care in everything you see, feel, taste, hear o kahit ano pang ginagawa ng organ natin sa katawan. It’s about being aware of everything; that’s blogging.
BLOG 'TO? Halimbawa ito ng blog.
(Photo from mikimedia.org)
In the internet, it says that blogging is the online diary, where people would keep a running account of their personal lives. It’s an art. It’s a form of expression. Kahit ano pang sabihin ng iba na ito ay kaartehan lang, it’s an art. Ito rin ang naging dahilan ng pagsikat ng ibang tao. I can’t name  them for I don’t know them. But mostly, politicians in other countries used blogging before to express their comments on certain issues and events. Instant pasikat nga naman. Libre pa.
Otherwise, for a first time blogger like me, I did this for a purpose, syempre. Required, eh (laughs). But if not, I would never give any time slash effort slash money because I don’t think everyone cares for what I think. But this doesn’t mean that I’m opposing my first statement. What I’m saying a while ago is that we blog for we care. I blog coz I care for my grades, right?
While I’m typing, I realized what blogging taught me. It’s about being free. Kahit mali-mali spelling mo, so what? Walang instructor na mampupula sa sinusulat mo; walang magsasabing “wrong gramming” ka dahil wala ka sa academe website. Dito, walang kapuso, kapatid, kapamilya; ang meron, ikaw, ako, tayo. Ang mahirap lang, hindi nga lang talaga ikaw ang nakakabasa. Pwede mong isulat lahat; but you have to face the consequences. Un naman talaga ‘yon, di ba? Sino nagsabing bawal ang ganito, ganyan, sa ganito at ganyan? Don’t believe him. Pwede lahat. Pwede mong sabihin ang !@#@$#%@$ o kaya %$#%$#@! At %^&*(*&^%$ o kahit alin sa tatlo kung naintindihan mo man. Kahit inglesin mo kung pa-sosyal ka, go!!! Just be sure you know how to handle yourself sa oras ng engkwentro.
May sin-earch ako tungkol sa blogging ethics. Eto ang lumabas  from http://en.wikipedia.org/wiki/Blogger's_Code_of_Conduct
1.     Take responsibility not just for your own words, but for the comments you allow on your blog.
2.     Label your tolerance level for abusive comments.
3.     Consider eliminating anonymous comments.
4.     Don't feed the trolls.
5.     Take the conversation offline, and talk directly, or find an intermediary who can do so.
6.     If you know someone who is behaving badly, tell them so.
7.     Don't say anything online that you wouldn't say in person.
To sum it up: `Wag ka na lang mag-blog. Hehe. Just speak na lang. Joke. Hehe. But, kidding aside, babalik at babalik tayo sa sinabi ko kanina. Blogging is about caring. Be careful in everything. That’s it guys.


Sunday, July 22, 2012

Itanong mo: Sa Kabsu?

Paggising ko sa umaga, ano nga ba? Ah, oo. Papasok pala ako. Sa skul na pinili kong pasukan (hep!hep! wait, wag kung ano-ano naiisip :>) Anyways, sa skul na pinili kong pasukan para maging handa sa “real world.”
KABSU, KABSU. Sa tapat ng marker ng CvSU madalas ibinababa ng jeep
o bus ang mga estudyante mula sa iba't ibang panig ng Cavite tuwing may pasok
(Photo from indangbeauty.files.wordpress.com)
Tama. Real world. Hindi na siguro kailangang sabihin kung ano meron sa real world. Pero dahil gusto ko, sasabihin ko na rin. Sa real world, merong hindi tunay (parang ngiiipin lang), may maitim, parang kutis lang, may maganda (parang ako lang, weh?) at may nakakatawa (parang gobyerno lang).
Sa CvSU, maraming tulad ng mga nabanggit sa taas. Pagpasok mo sa gate, bubungad sa ‘yo sina Laya at Diwa. At iisipin mo pa rin kung ano’ng pangalan ng bata sa tuktok na may dalang kalapati. ‘Yan ang CvSU, bungad pa lang, may palaisipan na. Brain teaser, kumbaga. Para saan pa at tinagurian ito na premiere historic University in Cavite? Going back, kung ikaw naman ang tatanungin, ano ang gusto mong ipangalan sa bata? I-send mo sa akin nang may maipangalan tayo.
Matapos kina Laya at Diwa and anonymous child, punta na tayo sa may gate. Sina Manong at Lady Guard naman ang itatanong mo sa sarili mo kung nache-check ba nila lahat ang mga bagay na dala mo. O short skit lang iyon na dumaan sa iyong buhay. Anyway, good luck sa kanila sa araw-araw na pagtingin kung ano laman ng bag natin.
Tungkol sa guard pa rin, mahigpit sila pagdating sa pananamit, buhok, etc. ‘Pag tatanungin mo kung bakit, sagot nila: Order ng OSA (Office of Student Affairs). Tama nga naman, sila ay sumusunod lang. Kaya lang, nakakapagtaka pa rin kung paanong nakaka-labas-pasok ang mga long hair na beki. Utos din ba ‘yon ng OSA? Hmmm…
Matapos mo namang magdasal nang katakot-takot sa tryke para hindi mapansin ng guard na wala kang ID, panibagong pakikipagsapalaran naman ang iyong gagawin. Ang classroom dilemma. Sa ngayon, marami pa ring nomads dahil hindi nila alam kung saan sila magka-klase. Sa bleachers o sa stairway? Available na ba ang C.R.? (tsigssgsk!) Grabe, hanggang C.R. may klase. Syempre, joke lang ‘yon. Ganda kaya mag-klase sa pathwalk na depende sa direkson ng araw ang kapakinabangan (hehe, bitter? Bitter?)
Kung pagdating sa loob ng classroom, chill lang. Mababait naman ang instructors natin dahil ayaw din nilang magpagod nang sobra. Pramis. Ikaw ba naman ang maging J.O. na maliit na ang sweldo, delayed pa. Kaya intindihin na lang natin ang ating mga mahal na guro. OK? Good.
Ngayon, kung may tanong ka, ‘wag na sa akin dahil sa ngayon, pagod na ako. Haha. Kung sino ka man, intindihin mo na lang ang mga sinulat ko. At salamat sa pagbasa. Magparami ka, ah. Salamat!

How are you in CvSU?

Cavite State University is not my dream school. I had plans of studying sa University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines. In short, gusto kong mag-aral sa Maynila. I want to experience a life far from my family. I want to experience how it is like to live a life of my own. Pero parte na lang ng nakaraan ang lahat ng ‘yon. I believe it is part of God’s plan na hindi ako umalis ng Cavite for college.
Anyway, I’ll be sharing a part of my experience and knowledge about CvSU.
TORCHFIRE. Maging kasing-alab kaya ng
apoy ng sulo ni Diwa ang ating pag-asa para
sa de kalidad na uri ng edukasyon sa CvSU?
Hindi nagsimula ang CvSU na CvSU na. (Did you get it?) It is because itinatag ito ng Thomasites noong 1906 bilang isang intermediate school. ‘Di nagtagal, the school focused on vocational agriculture for boys and domestic science for girls. Tumaas ang demand sa edukasyon that time kaya kinailangang palakihin ang school. 1920s nang mag-donate si Don Severino de las Alas ng lupain para sa school. Bilang pagkilala naman ng school kay Don Severino, pinalitan ang pangalan from Indang Farm School into Don Severino National Agriculture School noong 1958.
Samantala, it was 1964 when by virtue of RA no. 3917, Don Severino National Agriculture School became a state college and was known as Don Severino Agricultural College or DSAC.
Then by virtue of RA no. 8468, DSAC elevated into a sate university and was known as what we all call it until now — Cavite State University. For thorough explanation and narration ng history ng CvSU, you may visit the University’s website at www.cvsu.edu.ph.
To my point-of-view, CvSU is a fine university. Kung first-time siguro ulit ako, I may define it as great. I was impressed by the physical aspects of the University. I even thought na its a good thing pala na ‘di ako lumayo para mag-aral. However, first impressions didn’t last.
Sa pagtagal ng pag-stay ko sa CvSU, I began noticing its ‘dark’ sides. Minsan hindi lang ‘dark’. Madalas ‘hot’, ‘dirty’, ‘fishy’, etc. If you’re thinking what I’m thinking, I’m referring sa mga not-so-good and never-better facilities ng school. Ilan lang dito ang mga sumusunod:
·         Rooms na kulang sa upuan. (‘Yung tipong first come, first serve ang basis ng mga upuan. Minsan naman, no choice ka kundi umupo sa lapag. Japanese style ‘ika nga).
·         Kulang sa rooms. (‘Eto matindi. Imi-meet mo ang prof mo sa ilalim ng puno, sa corridor, sa covered pathwalk, sa hagdan, at sa kung saan-saan pa na hindi naman feasible para mag-conduct ng klase).
·         Kulang sa electric fan. (Minsan magpapasalamat ka kasi may bentilador sa room. Pero sa bandang huli, gagamit ka na lang ng pamaypay dahil hindi pala naka-install ‘yung fan. Pang-display lang pala).
·         Buildings and rooms that have ‘bad designs’. (‘Pag biglang nagkasunog, mind you, pray for your salvation already kung nasa CAS ka. ‘Wag mo nang balakin pang gumamit ng ‘fire exit’ dahil ang labas mo not to safety. Samantala, all-ears dapat ang pakikinig mo sa prof na nasa unahan. Baka kasi malito ka kung kanino makikinig, sa prof ba sa unahan mo o sa likuran mo na nasa kabilang room).

Ilan lang ‘to sa mga maaaring nakakatuwa pero nakakaalarmang sitwasyon ng mahigit 10,000 students sa CvSU. Itong mga nabanggit ko, ilan lang sa mga nararanasan ko. Paano pa kaya ang nararanasan ng ibang estudyante? What do you think?




Source: www.cvsu.edu.ph


All about CvSU and on how I adopt to the school.

WHERE 'YO. CvSU-Main is situated in Indang, Cavite
(Photo from http://1.bp.blogspot.com)
Actually nung first time ko sa cvsu, honestly I was so amaze that time kasi I never expect na malaki pala sya. May oval kaso un dn ang una kong napuna kasi spalto ang track ng oval kasi ang alam ko talaga rubberize sya kulay psick ba un. Basta but because first time ko dun d ko na lang pinansin, sabi ko pa nga sa sarili ko. “THIS IS MY DREAM SCHOOL!” dala na rin siguro ng pagiging ignorante that time. 
At dun na nagsimula ang yugto ng buhay ko sa kabsu. Nagdododrm din kasi ako mismo sa loob ng kabsu and that time medyo nag-aalangan pa ako kasi magkakaroon ako ng mga kasama na hindi ko naman kilala. At first mahirap kasi I have to adjust ibang tao tong mga kasama ko so I have to socialize with them siguro mga two weeks ata akong ilang sa kanila kaya sila na din mismo ang gumawa ng way para maging close kami, na hindi ko naman pinagsisishan kasi nagkasundo naman kami, kasi may mga similarities kameng mga magtotropa kaya medyo nagugustuhan ko na sa kabsu. Sa unang unang pasok ko naman sa klase naming honestly culture shock po talaga ko kasi, I wasn’t able to adjust na naman, I’m from alabang kasi kaya hindi ko agad-agad na adopt ung culture nila.  Ung feeling na nanganagpa ka kasi they have their own accent, and at the same time. Literal na probinsyano’t, probinsyana na natatwa sa mga corny jokes, ung mga mabababaw na topic na pinaguusapan, kaya shock ako nanggaling kasi ako sa isang liberated na skul at place kaya grabe ang impact nun sa akin, na nakakatuwa pa kasi ako pa ang naging kakaiba sa kanila, siguro dahil nga sa lugar na kianalakihan naming. Pero Masaya din ako sa kanila kasi maraming nagbago sa paguugali ko. Sa pag stay ko ng taon sa kabsu kasama ang mga kaklase ko ngayon, at mga rumate totally nabago ko sarili ko, from being “hudas.” Na hindi naawa sa mga kahit kanino kasi po  masukista po ako nung elementary at high school in short d po ako madaling maawa, salbahe din po ako kasi lagi din po akong nakikipagaway pero nung simula ng ipatapon ako ng nanay ko ditto sa cavite, natuto po akong makipagkapwa tao, rumispeto lahat kaya Masaya po akon na kahit papano napadpad ako ditto. Sa dalawang taon ko namang pagaaral ko ng pagaaral sa kabsu nung una lang ako natuwa sa skul. Kasi sa una akala ko ung mga upuan,rum at mga facilities ng kabsu ay under maintenance kaya ganun ung mga hitsura, may mga sira lalo na yung sa dorm tumotulong bubong mabagal sa paglabas ng tubig, at madami pang iba. Problema din po ang walang permanenteng rum ang mga studyante. Pero ganun pa rin, d nagbabago kung ano ang hitsura ng mga nakita ko  halos wala pong pagbabago na gaya nga ng sabi ng mga kaklase ko “wag ka ng umasa” pero baka ganun talaga kaya ngayon pong 3rd year na po ako siguro hanggang sa magtapos po ako ditto sa kabsu, mabagal pa din po ang pagusad nito.